Unang taong anibersaryo ng Class 259 ay Oktubre. Nguni’t lumipas ang buwan na hindi kami nagkayayaan magdiwang. Pagkatapos ng Undoy, at dahil sa sunodsunod na babala ng bagyo, marami ang nagka-phobia kapag umuulan. Nuong mga panahon na iyon, ang aming Shepherd ay nag-survey ng “extent of damage ng Undoy ” sa bawa’t isa sa amin. Masigla nyang ibinalita sa amin na walang masyadong nasalanta ng baha sa myembro ng Class 259. Sa loob-loob namin, “Thanks God! This is worth celebrating for!”
Matapos nuon, pina–ayos ni Shepherd Noni Baby na mag- alay ang klase ng misang pasasalamat na kasama si Fr. Robert Saballo. Madaling sumang-ayon si Fr. Robert sa aming plano at sinabi, na siya ang magpe-preside ng 8:30am Mass sa ika – 22 ng Nobyembre, sa Parokya ng Our Lady of the Abandoned (POLA), Hulo, Mandaluyong City. Si Fr Robert ang Vicar sa parokya na iyon. .
Linggo, Nobyembre 22, dumalo ang mga myembro ng Class 259 sa “Thanksgiving Mass”. Sina Bert Dhang Antonio, Jess Cyn Bigol, kasama ang kanilang anak na si Cristina, Toti Len Elesis, Bong Dhang Galicia, Lelet Meer, Ernie Au Rustria kasama ang kanilang anak na si Abby at pamangking si Robee, at sina Shepherd Noni Baby Pascual kasama ang kanilang apong si Keira, ay masayang masayang sinalubong ni Father Robert sa labas ng simbahan. Nandoroon din sila Shepherd Willie Rose Montales.
At sa pagtatapos ng misa, muling inulit ni Fr Robert ang kanyang kasiyahan at pasasalamat sa kanyang mga kaklase. Ang sabi niya, “sa aking pagkukulang na di pagdalo sa aming mga reunion, dahil sa gawain sa parokya, sila ang gumawa ng paraan para magkasama sama kaming muli. Sila ang pumupunta ditto! Salamat sa pamumuno ni Ate Baby at Kuya Noni.”
Ang Class 259 ay naghandog ng isang misa hindi lang bilang pasasalamat sa Panginoon na kami ay isang taon na sa Mater Dei Marriage Encounter Community. Nagpapasalamat din kami sapagkat kahit na maraming kalamidad at unos na dumaan ay hindi kami pinababayaan ng Maykapal. Anumang problema ang sinuong ng bawa’t isa sa amin ay naramdaman namingkami ay ginagabayan at tinutulungang malampasan ang mga pagsubok .
Ang buhay natin ay lalong nagiging maningning at matagumpay kapag ang Diyos ang nagsilbi nating tanglaw at gabay, dumating man ang unos at bagyo sa atin. (Ayon nga sa Epeso 2:8 For it is by grace you have been saved, through faith – and this is not from yourselves, it is the gift of God – ) |