Halika kaibigan, pasukin ang aking kalooban,
Upang iyong maunawaan ang tunay kong pinagdadaanan.
Ito ang tunay na nagaganap, hindi ko na ikukubli pa,
kapag ako ay nag-iisa at sa akin ay walang nakakikita.
Pagsapit ng dapit hapon. . .
Salamat O Diyos at natapos ang maghapon,
dahil may mga araw na hindi ko na alam kung paano tapusin ang isang maghapon.
Pagkagat ng liwanag. . .
Salamat O Diyos at natapos ang magdamag,
dahil may mga gabi na hindi ko na alam kung paano tapusin ang isang magdamag.
Sa kasaganaan ng panahon ng pamamahinga,
Antok ay hindi ko na nadarama.
Pagkat tulog ako’y datna’t panawan
ng halos di ko namamalayan.
Pagdurusa. . . para saan ang matinding pagdurusa
kung hindi ko na ito makita sa liwanag ng isang pag-asa.
Sa haba ng paglalakbay, ako ay natatakot
Baka ang liwanag sa dulo ay hindi ko maabot.
Batid ko na ang lahat ng ito ay nagaganap,
Upang ang aking kaluluwa ay maging ganap.
Ang tanging hiling ko, ang lahat ng ito
Ay huwag mabali ang aking espiritu.
Oh God please do not think that I am complaining.
All I ask is for You to give me . . .
… eyes that will never loose sight of You;
… heart that could continue to translate all pains into smiles;
… arms that are long enough to reach for the cup no matter how bitter its content,
because more than the cup, I love the One who is sharing it with me.
… wisdom to discern the purpose of bringing me to this point in my life
… and the grace to carry it out. |