Untitled Document
 
 
 
Anong sarap na maging miyembro ng Mater-Dei Community?
By Alex Elvie Sagum (ME Class 242)
 
 

Naaalala ko pa tatlong taon na ang nakararaan, isang kaibigan ang nag-alok sa amin na umatend sa isang marriage encounter seminar na gaganapin ng Aug. 18~20, 2006. Dahil na rin siguro na may nababasa ako tungkol dito wala akong kagatol-gatol na sumagot ng “Oo”. Gusto rin kasi naming mag-asawa na makasali sa mga ganitong pagtitipon upang mapalago pa an aming murang pagsasama, lingid sa aming kaalaman si Lord pala ang nagpatawag sa amin at ginamit lamang ang aming mga kaibigan upang maisakatuparan nya ang kanyang plano para sa aming mag-asawa. Mahigit dalawampung mag-asawa ang nakadalo (kahit saan mang pamamaraan) at lubos kaming natuwa sa mga sumunod na mga araw upang lalo naming napag-igting ang aming relasyong mag-asawa, lalong-lalo na ang mapalapit sa Diyos, malaman ang aming mga pagkukulang, at ang magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Sa loob ng tatlong-taong iyon, walang araw na hindi namin ipinagdasal ang kaligtasan, ang gabay at pagpapala ng Diyos sa bawat isang miyembro ng Mater Dei lalo na ang Class 242. Ang Class 242 na maituturing naming hindi financially capable ang lahat ngunit pagdating sa pananampalataya ay hindi mo talaga matuturingan. Samahan mo pa ng Shepherds (Leo Meddy Bugarin) na labis naming ipinagmamalaki dahil sila talaga ang gumabay sa bawat isa sa amin at pinangatawan ang kanilang tungkulin bilang shepherd.

Dumaan na kami sa isa at dalawang taon ng aming pananampalataya sa Diyos kasama ang buong Mater Dei at lubos namin itong ikinagalak dahil halos buong-buo pa rin ang Class 242, walang pagtitipon na hindi kami lumagpas sa mahigit sampung couple na lalong nagpapasaya sa bawat pagtitipon.

Excited kaming dumalo sa aming ikatlong anibersaryo at masaya kami dahil marami na naman ang makakadalo, yung iba matagal na naming di nakita. Malungkot nga lang at ang iba naming kasama ay hindi nakadalo dahil na rin sa may biglaang pangyayari sa kanilang buhay na di maiwasan ngunit alam namin na hangad nila ang kaligayahan ng bawat isa sa amin.

Unang schedule ng klase ay ang magsimba sa Antipolo Church para ma-bless ang buong klase, pangalawa nagharana kami sa Maryhills para salubungin ang mga bagong miyembro ng community at ang huli naming stop ay sa bahay ng isa naming kasapi sa Woodberry subdivision upang magsalo-salo sa kaunting handaan. Nag-aalala kami dahil bago pa kami magpunta sa Woodberry at nabalitaan namin na walang kuryente sa lugar simula pa ng umaga ngunit talaga sigurong napakabuti ng Diyos dahil pagdating namin sa lugar nalaman namin na may kuryente na pala, ika nga tuloy ang ligaya. Labing-isang couples kaming nagsalu-salo sa mga dala naming pagkain at kaunting nagbalitaan sa mga nangyari sa aming mga buhay, ngunit ang di namin inaasahan handang-handa pala ang aming shepperd sa okasyong ito (Yan si Shep Meddy, always ready). Pagkatapos ang kainan, hiniling ni shep na bumuo kami ng bilog upang makapagshare ng aming saloobin sa mga nangyari sa aming mga buhay sa nakalipas na isang taon. Talaga nga namang napakabuti ng Diyos dahil lahat kami ay nag-share, simula sa mga masasayang pangyayari sa buhay hanggang sa mga challenges ng buhay. Nandyan may tawanan at iyakan para lamang maibahagi ng lubusan ang kanilang nararamdaman. Lingid sa aming kaalaman marami palang mabibigat na problema ang dumating sa bawat isa sa amin na halos ika-sira na nang aming pagsasama, pero walang nagpatalo sa amin at heto kami buong-buo pa din sa pamamagitan ng bawat isa sa amin at ng Diyos patuloy kaming lumalaban para sa aming buhay mag-asawa.

Personally, I feel much honored to have this group, a people with less fortune but with bigger heart and a true person in and out. This is the best things that happen in our life, we have true friends, shepherds that always guide us and a God that’s always patiently waiting for us to ask for His help, forgiveness and blessings. We never really imagine that at this early stage of our married life, we will have this kind of foundation from our experiences with Mater Dei M. E. Community that we will treasure through out our married life.

To my Mater Dei M. E. Class 242 family, thank you for your help (Spiritually & Emotionally), we really appreciated all your efforts. We always pray that we will grow and grow and grow with our Lord Jesus Christ. God bless us all.
 
 
 
Untitled Document
 

February 2010

2009 ▪ 2008 ▪ 2007 2006

 
 
 
Untitled Document
 
  View Complete 2010 Calendar (304KB)  
 
 
Share |
 
 
Untitled Document
  
  
 
 
  
 

Untitled Document A Sector of Marriage Encounter Foundation of the Philippines.
© Copyright 2007 Mater Dei Marriage Encounter Community. All rights reserved. | Site Design by leobohol.